February262012

When Girls Can’t Take a FUCKING COMPLIMENT.

klarkavenue:

klarkavenue:

“WELL SHIT, YOU UGLY THEN, DAMN” — HAHAHAH! WHAT IS AIR?!!!

shesatrainwreck:

itsamaliiia:

JUST TAKE THE DAMN COMPLIMENT.
“You’re so pretty”
No im not, im soo ugly.
“WELL SHIT, YOU UGLY THEN, DAMN”

LOOOOOL =))

(Source: kisszinflowers)

January222012

Kamatayan ng Komediya

Nung Enero 21, 2012, ako’y nakanuod ng dula sa Rizal Mini Theatre sa Ateneo de Manila University at ito ay ang “R.I.P” ni Severino Reyes, sa direksyon ni Dr. Alvin Yapan. 

Panlabas na aspekto ng dula:

Bago nagsimula ang dula, maririnig dito ang theme song at patuloy itong tinutugtog hanggang magsimula na ang dula. Maririnig dito ang tunog ng bandurria at ng octavina. Kumpara sa mga tipikal na mga dula, ang entablado ng mga ito ay pantay, pero ang disenyo ng entablado sa R.I.P ay iba sapagka’t ang entablado ay nakaanggulo patungo sa mga manonood at ang likuran nito ay hindi panta sa harapan dahil mas mataas ito. Hindi nakakatiyak kung ito ba ay sadya ang disenyo ng entablado para sa dula or talagang ganun na ito pero it ay kakaiba. 

Pagdating sa mga karakter, ang mga payaso na sina Uban at Toming ay may mas madramang make-up sa kanilang mga mukha kumpara sa ibang mga karakter. Ang itsura ng make-up ng mga payaso ay hindi yung tipikal na itsura na parang sa mga Amerikano. Ang pagpintura sa kanilang mga mukha ay kakaiba sapagka’t makikita rito ang aspekto ng mga dula sa Pilipinas, ang pagiging oryental. Ang mga pintura ay tipong eccentric kung ihahambing sa tipikal na mga make-up. Maaaring kailangang maging eccentric ang mga pintura sa mukha ng mga karakter para madagdagan ang theatrical effect.

Oriental Make-up:

Ang mga kasuotan ng mga karakter ay dahan-dahang nagbabago sa dula. Sa una, mukhang mga pangsinauna ang kanilang mga suot, pero dahan-dahang nagbago ang kanilang mga kasuotan nung kinailangan na ng kumpanya ni Colas gumawa ng palabas. Ang kanilang kasuotan ay mas kumaunti, galing sa isang damakmak na damit na patong-patong naging kakaunting saplot sa katawan sapagka’t ang kanilang ginagawang pelikula ay sekswal at kailangang gamitin ang katawan sa harap ng mga manonood. 

Talagang nakakatuwa ang dulang ito sapagka’t meron din itong pakikipag-ugnayan sa mga manonood. Sa mga pangkaraniwang na dula, hindi naman madalas na nakikipag-usap ang mga karakter sa kanilang mga tagatangkilik/manonood. Maaring ito ay pwedeng improvisation o sadyang utos ng direktor sapagka’t maaring gusto nyang naiiba sya sa ibang mga dula. Ang katangian na ito ay talagang nakakatuwa dahil nakakaengganyo ito at ito ay nagbibigay ng kakaibang epekto sa mga manonood kumpara sa mga tipikal na mga dula na walang pakikipag-usap or kahit ano mang komunikasyon sa mga manonood at sa mga aktor.

Panloob na aspekto ng dula:

  Hindi hamak na nakakatuwa at puno ng komediya ang dulang R.I.P. subalit makikita rito ang pagbabago ng mga dula at iba pang anyo ng teatro. Ang performing arts sa Pilipinas ay nilarawan sa paggamit ng totoong pangyayari. Ang teatro ay dahan-dahang namamatay at nawawalan ng mga manonood kaya naman ang mga karakter sa dula ay naglalarawan ng posibleng mga pangyayari sa totoong buhay ng mga kumpanya at gumagawa ng paraan upang sila ay umangat muli sa kanilang kahirapan at mapasikat muli ang performing arts.

  Hindi lang naman puro kasawian ng performing arts ang masasagap sa dulang ito, kundi ang isang sitwasyon kung saan mapapanood ang ligawan ng dalawang payaso na sa Uban at Toming. Gumawa ng paraan si Uban upang maipakita nya sa lahat na si Toming ay isang bakla, kaya naman nagpanggap syang babae, at ipinangalan nya sa kanyang sarili ay Menangge. Ngunit sa aking opinyon at base sa aking kaisipan, dahil hindi naman alam ni Toming na si Menangge ay si Uban, ito ba talaga ay tamang paghuhusga kung sya ba ay isang bakla o tunay na lalaki? 

Ang komediya ng dulang ito ay pang-matanda o kaya naman sa mga manonood na nasa wastong edad na (labing-walo pataas) sapagka’t may mga sekswal at napaka-intimate na mga senaryo. Mayroon ding mga nangingibabaw na mensahe na may pagkalaswa, at hindi maaring ng mga minorde edad sapagka’t ang kanilang pagiging inosente ay masira. Tamang-tama lang ang pagiging malaswa, katatawanan at seryoso ng dulang ito. Sa aking opinyon, mahirap mabalanse ang pagiging seryoso at katatawanan dahil magkasalungat ang mga ito sa isa’t isa. Nang matapos ang dulang ito, ako ay napaisip tungkol sa kung ano na ang mangyayari sa sitwasyon ng mga aktor sa teatro at kung paano nila lulutasin ang kanilang problem sapagka’t ang performing arts ay dahan-dahang namamatay dahil sa mga iba’t ibang klase ng arts na sumisikat at nakakakuha ng mga manonood. Maaring maging “vicious cycle” ang mangyari dito sapagka’t pwedeng malaos ang performing arts at sumikat ang ibang klasing mga arts ngunit pwede rin namang maibalik ang teatro at mapauso muli at malaos naman ang mga pelikula o mga modernong sining. Tiyak na pwedeng mga paulit-ulit na pangyayari ang sitwasyon na ito, kaya naman ang mga aktor ay nagpapakahirap na matutunan at iangkop ang ibat’t ibang klase ng mga sining. Ito ang napunta sa aking isipan nang matapos ko ang dula, at pwede rin naman itong maging totoo o posibleng pangyayari sa totoong buhay. 

Page 1 of 1